Sunday, June 2, 2013

An Incoming College Student's Dilemma

After high school, of course you're about to move to the next chapter of your life: the college life. But wait, have you decided what course are you going to take yet? I'm telling you, this will put you in the real "state of confusion." Source: My experience.

Bago ako makagraduate, buong-buo na yung desisyon ko na magiging Chemist ako, therefore BS Chemistry ang kukunin kong course. I have such intense passion for this branch of science. Kayang kaya ko siyang pag-aralan ng buong taon nang hindi nakakaramdam ng kahit kurot ng pagkainip. Pero ika nga nila, expect the unexpected. At eto, pagkagraduate ko napaisip ako: Chemistry nga ba talaga ang dapat kong kunin?Naalala ko si second choice. Before highschool introduced Chemistry to me, I've always dreamed of studying Psychology. Yes, Psychology is my first love. Madalas nakikipagdebate ako sa mga kaklase ko in terms of Psychology. I am very fond of studying the human behavior and mind, and just like Chemistry, it never bores me. Hindi nagtatapos sa Chemistry at Psychology ang options ko, nadagdagan pa yan. Meet my third choice: Political Science. I was influenced by a close friend who happen to be a year older than me. 

I spent the whole month of April and March thinking. Ano bang kukunin ko? Naman kasi, tatlong choices iba't ibang fields pa. So nagbawas ako, unang una: Chemistry. Kahit sobrang masakit to para sa'kin, inalis ko siya sa choices ko. I have to be practical and of course realistic. Kaya ko ba 'to? May maganda ba akong kinabukasan dito? Makakatulong ba ako dito
1. Kaya ko ang Chemistry, alam ko yun. 

2. Chemistry majors are absolutely guaranteed to have bright futures but not here. Wala akong planong umalis ng bansa. Pinagaaral ako ng gobyerno ng Pilipinas kaya nararapat lang na pagsilbihan ko rin ang bansa ko. Hindi matutumbasan ng pera yung saya na maglilingkod ka sa bansa mo.

3. Hindi sa sinasabi kong hindi ka makakatulong kapag ito ang pinili mong course, pero mamulat ka sa katotohanan. Kapag naging chemist ka, more on cosmetics, wines, researches, and non-medical products ang tiyak na pupuntahan at tututukan mo.

 Hindi ako sure kung anong pipiliin ko sa natitirang choices ko. Makakatulong ako kahit anong piliin ko sa dalawa. Gusto kong maging PolSci major kasi mahilig ako sa mga debate at lagi akong may pinaglalaban. Bagay yun sa pagkatao ko. Sabi kasi nila mas kailangan daw ng mundo yung ganitong mga tao, yung may lakas ng loob para manindigan. On the other hand, I want to be a Psychology major to understand everybody. At eto ang nagbigay-linaw sakin kung anong dapat kong piliin. Bigla kong naisip, masyado nang maraming nagsasalita hindi lang sa Pilipinas, pati narin sa buong mundo. Sabay-sabay silang nagmumungkahi bagamat iba't iba ang mga minumungkahi. I think what my country needs is someone who will listen.

Pero wala parin akong katiyakan hanggang sa pagpunta ko sa unibersidad na papasukan ko, hanggang sa pagpila ko, hanggang sa pagpunta ko sa administration office. Yung mga paa ko nalang ang pumili para sakin, dinala ako nito sa College of Social Sciences and Development para ma-interview.

Then voila! I am now officially a Psychology Student.

No comments:

Post a Comment