Tuesday, July 16, 2013

Si Ate Virgie

Wednesday na naman, ito na naman ang araw para sa paglalabas ko ng saloobin ko sa mga bagay-bagay. 

Last Saturday, naiwan akong mag-isa sa bahay namin kasi may pinuntahan si mama. Yung mga kapatid ko naman either nasa school dahil may groupings or nasa galaan. At ako, naiwan ako sa bahay dahil damang-dama ko parin yung hang-over ng paguwi ko ng 3AM ng madaling araw kagabi dahil sa Freshmen's Night. Aba, andun ata ang Tanya Markova at Silent Sanctuary kaya tinapos ko na. :)

Nahiga ako. Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit kong matulog. Wala pang 10 minutes mula ng mahiga ako eh may kumakatok na sa pintuan namin. Hindi ko pinapansin. Sa isip ko, "Mapapagod din yan kumatok. Tiwala lang Jess. Tulog na!" Ilang minuto na lumipas, patuloy parin sa pagkatok. Until nagsalita na siya, kinakausap nung kumakatok yung sarili niya. The voice belongs to a woman. An old woman. She was saying, "Naku, ang galing ko naman.. Natatandaan ko parin bahay nila.. May tao kaya?" Dali-dali akong tumayo, nag-ayos ng kaunti at nilabas ko na yung kumakatok. I was surprised to see who it is -- si Ate Virgie.


*Flashbacks*

Si Ate Virgie. Bigla siyang nawala for almost 5 years. She's been there for  our family since time immemorial. Siya ang labandera, plantsadora, tagabantay, at kasama nila mama at tita kapag aalis noon. Simula nang magkaron ata ako ng isip eh nandun na siya, at matanda na rin. The woman has no family at all. Walang asawa, walang anak. Kung magsalita rin si ate, para siyang bata kasi putol-putol and words nya. Fragments. For example, ang tao kapag gutom sasabihin nyan ay "Gutom na gutom na ko! Anong pagkain?" pero si ate, sasabihin niya, "Ako gutom.. Gusto na kain.." Ganon. Kung bakit ganon, hindi ko alam. Hindi ko naman kasi siya kinakausap dati kahit noong naglalaba at namamalantsa pa siya samen. Ngitian lang. Bata pa naman kasi ako non, what do I know about social skills and all? Isa pang ala-ala ko sakanya eh mabisyo si ate Virgie. She wastes the money she earns from us in drinking liquours with men who just happen to use her. Hindi ko masisisi si ate, malungkot ang buhay mag-isa kaya nagagawa niya iyon.

Back to reality. So eto na. Pagkakita ko sakanya, nakaupo siya sa labas ng pinto namin. Nakatingin siya sa kawalan, kaya hindi niya ako napansin. Sabi ko, "Ate.." ayun, bigla siyang tumingin tapos ang laki ng ngiti niya sakin sabay sabing ang laki ko na raw at nasaan daw si mama. Sinagot ko naman lahat ng tanong niya, kaya lang nagpaalam muna ako na maliligo lang ako. Hindi ko muna siya pinapasok sa bahay kasi ang bilin ni mama, wag akong magpapasok ng kahit sino. Pagkatapos kong maligo, binilisan ko na magbihis para labasin si ate, kaso paglabas ko dun wala na. Sakto namang umuwi na 'yung kapatid kong 4th year high school. Nakita niya raw si ate, kaya ayun inutusan kong habulin niya. Maya-maya pa ay narito na sila sa bahay. This time, hindi na ako nagdalawang-isip na papasukin si ate ng bahay. I forced Ate Virgie to come in and have her merienda with us. Tinapay lang daw ang gusto niya, kaya dali-dali akong nagpalaman para sakanya. Pinagsilbihin ko na parang magulang ko si ate nun. Magkatapat kami ng pwesto sa lamesa, kaya sinimulan ko nang kausapin siya,

Non-verbatim:

A:Ate, ba't ba bigla kang nawala? Naligo lang naman po ako eh.
Siya: Eh kasi tagal pa ata mama mo.. Kaya uwi ako.
A: Bakit po ba kayo napadalaw dito? Saan po kayo galing? Ang tagal niyong nawala, wala man lang paalam o balita sa amin.
S: Sinugod ako sa probinsya, nagkasakit kasi ako. Hirap may sakit, wala pa magaalaga sayo. Gusto ko lang kayo makita, makamusta.. Tuwa ako kasi talas pa ala-ala ko alala ko pa bahay nyo. Buti di ako ligaw..
A: *ngiti* Nagkasakit po kayo? Bakit?
S: Puso.. hirap la alaga. Hirap ng matanda na.. Ikaw laki mo na ah, may syota kana? Akala ko tapos na nga kayo magaral. *tawa*
A: Naku, wala po ako nyan ha. Bawal po yan. *tawa* Eh kayo po kasi wag nang uminom. Masama yun. Dapat po alagaan niyo sarili nyo. Ba't po ba wala kayong asawa't anak?
S: Meron ako syota dati.. namatay. Shabu. Di na ko nagasawa.. sayang. Ganda lalake, kaso shabu.. Laging nagshashabu.. *napatingin na naman sa kawalan* Hirap mag-isa.. sa awa ng Diyos kinakaya ko naman. Di na ko natatakot pag nasa bahay ako ng kaibigan ko.. magisa ako.
A: Bakit? asan po ba ang kaibigan mo? Sabi niyo sa bahay po niya kayo nakatira. Asan siya?
S: *ngumiti* Kaibigan ko.. aso ko. 

Durog na durog yung puso ko sa narinig kong yun. I can't imagine living her life. Napakahirap. Hindi na ako nakapagsalita pa nun kasi sobrang nadurog yung puso ko at nararamdaman kong gayon din siya. To lighten up the ambiance, nagpicture nalang kame ng nagpicture. That was the only time I had the initiative to take pictures with her ever since I met her. Bago siya umalis, pinabaunan ko siya ng mga pagkain. Pagkatapos, tinanong ko kung anong sasakyan niya pauwi. Nginitian niya ako sabay sabing, "ako di sakay, lakad lang hanggang bayan." Nakarating lang daw siya dito samin dahil nanghingi siya ng pamasahe. Aalis na dapat siya pero hinabol ko, at inabutan ko ng sobra sobrang pera para may pamasahe at panggastos siya. She kept on thanking me, and so she left with a smile on her face.

I realized, life's just too short to waste it on things that don't deserved to be noticed; to give a damn with people who don't even deserve to be an issue in your life. Ngayon bata ka pa, pero hindi mo mamamalayan ang bilis ng oras. Ngayon malinaw pa ang mata mo, maganda ang mukha't pangangatawan at buo pa ang ngipin, pero hindi mo mamamalayan lumalabo na ang mata mo, humihina na ang pangangatawan mo, kumukulubot na ang balat mo at nalalagasan ka na ng ilang mga ngipin. Ngayon kasama mo pa ang mahal mo, but who knows, maaari siyang mawala sayo mamaya o kinabukasan. Life's just a product of our reactions on matter of now and never. Kabataan, mapalad ka at nababasa mo 'to ngayon dahil nangangahulugan itong may maginhawa kang buhay para magbrowse ng magbrowse sa Internet hanggang sa napadpad ka sa blog na 'to. Tatlo lang naman ang rules ng buhay: Mabuhay ka, Magmahal ka, at Magpakasaya ka. Live your life to the fullest; love like you've never been hurt; and laugh until your jaws hurt. In that way, you will never have to include the "what-if" or the "should have" once you take a chance to look back. 

You only live once, but if you live your life right, once is more than enough.

1 comment: